Monday, October 1, 2007

ang bilis talaga ng panahon, ano?

So. October na. One month and one day na lang at board exam na. Ampucha. Ambilis talaga ng panahon. Parang kakasimula lang ng review kanina, tas ngayon coaching na. Whooo!

Speaking of coaching, nakakalugaw ng utak yung coaching namin kahapon ah. Mantakin mo, 4 folders yun na me tig-200 items bawat folder. Kelangan mabasa, maintindihan at masaulo mo lahat in just four friggin' hours! Pang-halimaw eh. Kainaman. Pero ako naman eh tamang reklamo lang. As usual. Basa rin naman. Hehe. Nagkasilbi ang mabilis kong pagbabasa. Sabi na nga ga at magagamit ko rin yun balang araw eh... Haha.

Mejo kakatapos lang namin mag-lunch kani-kanina sa bahay. Kanin tas me gulay sila [hindi ako nakain ng gulay] tas porkchop-dapat-pero-kinatapusan-ay-naging-adobo-na-masarap-naman. Ayus ang kain habang me background music pa at masaya ang kwentuhan at tawanan. Isa sa maraming masasayang moments sa bahay.

0 comments, suggestions, violent reactions?: