Friday, August 31, 2007

bitin!

Asar. Bitin ako sa Claymore. Yun ang hirap sa ongoing series. Mabibitin ka talaga. Ang masama nito eh dun pa kung saan gumaganda ang istorya naputol. Tsk.

Kung tutuusin, napaka-typical ng plot. Hindi nga namamatay yung bida [si Clare] kahit halos lahat na ng mga kasamahan nyang Claymore--ultimong yung pinakamalalakas--ay napatay na ng kalaban. At habang tumatagal ang laban ay lalo siya lumalakas. Ayun. Simpleng simple. Pero gusto ko pa rin panoorin, paki nyo? Hehe. Gusto ko malaman kung tataas pa siya ng ranggo kahit pasaway siya at kung makakalaban at matatalo nya si Priscilla, yung Awakened Being na pumatay ke Teresa na siyang dahilan kaya siya nagdesisyon maging Claymore. Basta.

Ayan, me bago na naman ako kinaaadikan. Ayoko na. Tsk.

Thursday, August 30, 2007

katakawan

Gusto ko pa ng siomai. Patatawarin. Ang takaw ko talaga. Haha.

Thursday, August 23, 2007

depressed again

Right now I'm feeling restless, depressed, morbid, lethargic and apathetic. So many emotions, not one of them any good. Fuck. I so hate times like this. Even more so since I really should be studying for tomorrow's Electronics pre-board exam. Shit.

I don't even know why I'm feeling this way. It's like there's a pall of gloom hanging about me all day, which I just couldn't quite shake off. And it successfully ruined my day. Fucker. I really hate this..

Wednesday, August 22, 2007

depressed

I miss him. In less than a month, he would have been gone for a year. The time we're apart is now officially longer than the time we were together. Isn't that just sad?

His birthday's next week. And as expected, we won't be celebrating it together. Maybe I'll call him. That's about the best I could do short of hopping on the next plane to go visit him. I wish it were that easy.

I really really miss him. It's pretty depressing thinking how far away he is from me. Patience never was one of my stronger points and the fact that I'm still holding on to our relationship never ceases to amaze me whenever I think about it. I guess I just really love him that much..

long lost sister

I'm so happy I met Patrisha. I feel like I really have a sister now. And it's so cool that we're so much alike. Who would have thought the seven-year age gap between us wouldn't matter?

It's great that we were able to text all the way into the morning this weekend, much as we used to back in summer when she could stay up as late as she wants since it was vacation time. And yeah, that's another common trait between us, our nocturnal body clock. So far she's the most hardcore insomniac I've met, and to think she's so young too. Hands down to you Sis.

We were talking earlier about meeting up, something we're both looking forward to. If things go as planned and her family goes to Batangas for Christmas break, we really might be able to meet finally. I can't wait to see this girl I've been sharing stories, rants, raves, secrets, dreams and aspirations with all these time.

Tuesday, August 21, 2007

pure genius!

Just finished reading Neverwhere. Neil Gaiman is a friggin' genius. I am so becoming a big fan.

I totally love his work on the Sandman series even if I had read but three out of its eleven volumes. And then I read this. It literally rocked me to my core. The way his mind works is just sick--forging plausible connections between things and people which have nothing to do with the other.. How can I explain it? I am out of words to express the magic he creates with his stories.

Neil Gaiman is truly a genius, hands down. That we share the same birthday is just the coolest thing. Maybe that's why I get his stories, beyond the gory details and dark humor. Whatever. The bottomline is I love his work. Plain and simple.

gastadora

So. Last day na ng review kanina. Pre-board na sa Thursday. Katakot. Sa dinami-dami ng naging exam namin eh iisa lng ipinasa ko. Ang hirap kaya ng exams, konti lang lagi napasa. Pero ayus lang. Magaling na kesa wala. Babawi na talaga ako sa refresher. As in.

Nga pala, kakatuwa. Naaadik ako sa eBay. Hehe. Nakabili ako ng pantalon for only Php167.50. Okay, so me dagdag pang Php100 for shipping. But it's still a bargain considering ang mamahal ng mga pantalon ngayon. Tsaka ang cute kaya nun pants, natuwa talaga ko, tas tamang size ko pa. Sana nga lang magkasya nga pag andito na. Hehe. Maya pa o bukas idadating eh.

Yun isa ko naman nabili eh hooded jacket, Php199. Sayang pa yun Php80 na para sa shipping kaya tagpuin ko na lang yung seller bukas sa SM North. Hehe.

Naisip ko lang, andami ko pala nabiling damit ngayong linggong to. Yun ngang dalawa sa eBay, tas yung tatlo sa ukay-ukay. Kamusta naman daw yun? At least di naman sobrang laki ng nagastos ko, puro bargain nga eh. Hehe.

Speaking of gastos, nalagasan din nga pala ko kanina nun napunta kami Quiapo nina Badong. Me nabili akong dalawang DVD. Oo, pirated. Hello? Quiapo kaya yun. Hehe.

Ayoko na. Puro na lang ako gastos. Tama na talaga.

Saturday, August 18, 2007

peste!

Fuck. Ang duga talaga ng Smart. Nakakainis. Nagload ako ng 30 kanina para me pang-Internet ako ng 1.5 hours. Ginamit ko ung 1 oras dun before dinner, nagtira ako ng Php10 para gamitin ngayong madaling araw para i-check kung nanalo ako sa bidding sa eBay. Nagtanong pa nga ako ng balance eh, andun pa nga yung tira, sakto para sa kalahating oras ng pagsusurf.

Tas ngayong gagamitin ko na eh di na ko maka-connect. Pag-check ko ng balance, ampucha, ubos na load ko! Tangina, sayang yung sampung piso na yun! Di ko man lang nagamit. Tiningnan ko pa nga sa log ko kung me natext ako o kung anuman, pero wala talaga. Basta na lang nilamon ng bwakanang Smart yan ang load ko. Peste. Nakakainis talaga. Kuh.

Di ko tuloy malaman ngayon kung me nakadagit pa nung pantalong gusto ko bilhin o kung napanalunan ko na nga sa bidding. Sa umaga ko pa malalaman, pagkaload pa ulit sa lintek ng Smart na yan. Kakainis talaga. Tsk.

Thursday, August 16, 2007

bag shopping!

Well. It's almost 5 am. Why am I not suprised I'm still up? Oh well. At least I have a valid reason for pulling an all-nighter this time. I just finished revising our blasted thesis. Which, I must mention, I had to revise again [redundant as that sounds] since the work I did before was lost when my PC was nuked. Damn fucker.

So anywho, not everything's gloom and doom. I went to SM yesterday after fixing my laptop at CK to meet up with Mama, Tita Ed and Bonens. And we went bag shopping, quite unintentionally I must say. Since my laptop bag's strap was about to give, I decided to look for a new bag, preferably a backpack. And I found just the perfect one at The Travel Club. It's black, padded, and fits my laptop to a tee. I couldn't have asked for anything more, although a big discount would have helped. No such luck though.

It must have been one of The Travel Club's luckier days since Mama also found a bag she liked and I saw this really cute shoulder bag. So that makes three purchases. Add to that the other two that my cousin also bought. That makes five bags all in all.

Okay, okay, so that was rather excessive of us to shell out that much for bags which we don't really need [well, except for the laptop bag]. I can admit that much. But hey, shopping's fun. Even if it burns a rather painful hole in the pocket.

Wednesday, August 15, 2007

loss

I'm depressed. My laptop just got nuked. Practically everything's gone. Yeah, even my video and sound cards are shot. I have find and download the drivers myself, and I'm not even sure where to find them.

But those are nothing really compared to the files I lost. I feel as if I lost a limb. My journal gone, just like that. And the pictures. Damn. Where would I find those pictures now that they're in digital oblivion? God, I feel like crying right now, except that that would only worsen my colds.

Stupid stupid me. Why did I never bother to back up my files? So so so stupid.

Tuesday, August 14, 2007

coincidence talaga to

Taken a few weeks ago:



Ewan nga kung bakit, pero nun time na to eh parehong-pareho posisyon namin ni Swe pagtulog. Si Mamond nagkuha nito. Meron pa daw sanang isa pa na para naman kami mga fetus na nakabaluktot at nakaharap sa kanan kaso umibo na si Swe bago pa nakuhanan ng picture.

At oo, kami na nga ang tinanghali ng gising. Hehe.


crippled

Pucha, mamatay na lahat ng mga gumagawa ng mga lintek na virus yan!

Nakakaiyamot, nadali pa laptop ko. Kuh, sangkatutak pa naman files ko dun. Iyak na lang pag nawala ang mga yun. Back to zero. Wala ang mga memories at mga pinaghirapang mga i-type, i-drawing, i-edit at kalahat-lahatan na.

Ako naman kasi tong si tanga at paalala, di ako gumawa ng back-up disc. Feeling ko kasi invincible ang laptop ko sa mga naglipanang virus. Asa-ness ka naman girl. Yan ang napapala. Haay. Naiinis pa rin ako kahit anong sabihin. Yun lang yun.

Di pa man narereformat o kung anupamang pag-aayos ang nagagawa eh nanghihina na kong isipin ang mga mawawalang files ko. Feeling ko mapuputulan ako ng kamay or something like that. Iyak na lang talaga. Di ko na-realize na ganun na pala kahalaga sa kin ang laptop na yun at ang mga nilalaman nito. Mahigit isang taon ko na rin nga namang kasama sa mga projects, thesis, pagdodownload nga mga kanta at episodes ng anime, paglalaro ng Gunbound at pagta-type ng mga saloobin pag tinatamad magsulat. Haaaaaay.

sipon na naman

Fucker. Mukhang magtutuloy-tuloy pa nga ang sipong to ah. Ayoko na. Dami ko na nga naiinom na vitamin C eh tinatablan pa rin ako ng sipon. Tsk.

Kasi naman, sipon talaga binabagsakan kapag umiyak o mapaluha man lang ako. Oo, marami akong problema sa buhay pero di yun ang iniyakan ko kagabi.

Kung tutuusin eh hindi naman talaga ako umiyak. Yun eh luha lang na dala lang talaga kapag nagsusuka ako. Kasi oo, nagsuka ako kagabi. Hindi dahil sa nag-inom ako ng marami kasi hindi naman ako nag-inom talaga, kundi dahil sa sakit ng ulo.

Weird no? Pero ganun talaga ko eh, ewan ko nga kung bakit. Kapag naiinitan ako ng sobra o kahit ma-expose lang sa sobrang liwanag eh sumasakit talaga ang ulo ko kinagabihan tas nagsusuka ako. Problema ko to, lalo na pag summer. Iyak na lang ako pag sobrang init ng araw, hindi na talaga ko nalabas kung hindi kailangang kailangan.

Me nabasa ako na sintomas daw to ng heat stroke. Ipagpalagay ng ganun na nga. Pero normal ga na malimit to mangyari? Di kaya sakit na tong malala? Ewan. Ayoko ng isipin. Dapat nga siguro magpatingin na ko sa doktor. Bahala na pag nalingilan sa isang araw.

Monday, August 13, 2007

da house rules

Ewan kung bakit ngayon ko lang naisip na i-post ito. Nga pala, eto yung "konting paalala" namin sa isa't isa sa aming kwarto. Wala lang. Hehe.

Sunday, August 12, 2007

aspiration

I am so loving Joss Stone's Tell Me What We're Gonna Do Now. In fact, it's on repeat play on my iPod right now. Harhar. Addict.

It's good to be home again, even if I was here less than a week ago. As much as I love living in our humble room in Manila, I must admit I'm not all that crazy about the things that happened there this week. Not that anything bad happened. It's just me and my overly active imagination again at work. Err. Whatever.

I was able to watch Mad Mad Fun at Animax again. The truth is the show didn't quite live up to my expectations for it. But then again, maybe I was expecting too much. Rhian is certainly cute, but she isn't that great a host yet. And Shawn could do a lot better too. I'm sure those girls have great personalities off-cam, which somehow didn't translate well on-cam since they looked a bit awkward with themselves while talking.

Anywho, the real reason I watched MMF was because this week's Kawaii Girl is Tricia Gosingtian. She's a young, self-taught photographer whose works [if I'm not mistaken] has appeared in mainstream publications. I've seen some of her works in her
deviantArt account and I must say they're pretty amazing. The girl's got serious talent. Of course it helps that she has a decent camera to work with, but that's another matter altogether.

Being a wannabe photographer myself, I make it a point to observe the different styles of every photographer whose work catches my eye. And it gave me renewed hope when i found out that Tricia didn't have any formal training in photography yet was able to take really good pictures. Given the right equipment, I know I could take some good photos too. After all, there's only so much you can do with a 3.2-megapixel digicam with but limited controls. But I'm trying to work it just the same.

Thursday, August 9, 2007

España river

God, what an addict. I just used up all my cellphone credits browsing the Internet and downloading pictures and themes on my phone. Or should I say, just making the most of my its capabilities? Whatever. I'm so darn addicted at the moment. Haha.

Anywho, I can't believe half the people here were already knocked out by 11:00 pm. Tsk. And now I'm the only one awake. As usual. We're still in the same sleeping arrangement as last night's. Hopefully, as it isn't raining right now, we won't wake up on wet mattresses.

Speaking of rain, España currently looks like a muddy river with half-submerged vehicles instead of boats. And it was a wonder I got home from PERC with my shoes relatively dry considering it was raining while I was walking with Jebb, Badong and Sonic and there were puddles galore practically everywhere. Thank God.

By the way, our sampayan did snap earlier, just an hour or so after I got out of bed. I'm thinking maybe that was the reason why I woke up earlier than usual. Freaky.

Wednesday, August 8, 2007

di na naman makatulog

Tahimik na ang lahat. Tulog na karamihan, kung hindi man lahat ng kasama ko sa bahay. Parang ang hirap isipin na ang mga taong ito na ngayo'y mga nakahilata at malamang ay nananaginip ay kai-kainaman ang ingay at kwentuhan kani-kanina lng.

Nakakatuwang isipin na sa gitna ng pamomroblema sa binabaha naming tutulugan ay nakuha pa rin naming magtawanan ng animo'y walang nangyari. Ang ganda pa nga ng pinag-uusapan namin eh, yung mga laro at mga laruan nung mga bata pa kami. Trip down memory lane, 'ika nga ng iba. Sari-sari ang mga kwento, mula sa Chinese garter at 10-20 hanggang sa patintero, tapos biglang isisingit ang kaadikan sa pangongolekta ng mga lastiko, teks, at ang dating pauso ng Coke na Pog. Kayo, tanda nyo pa din ang mga yun?

Ang sarap maging bata ulit no? Yung wala ka iniintinding review, di mo pinoproblema kng ano integral ng mga sine at cosine, yung wala kang pakialam kung pano nagana ang TV, na basta napapanood mo ang paborito mong cartoons eh ayos ka na. Tapos asa bahay ka pa at asikasong-asikaso ng nanay mo, di mo pinoproblema na hindi kayo makabili ng mga kasama mo ng bigas na isasaing kasi malakas ang ulan. Hehe. Buhay talaga.

Bakit nga ga ganito ang takbo ng isip ko ngayon? Ibang-iba sa karaniwan, at Tagalog na Tagalog pa ang sinusulat ko. Siguro dala lang ng panahon. Malakas na naman ang ulan at rinig na rinig ang pagpatak nito sa bubong. Kung tutuusin, masarap pakinggan. Tapos medyo malamig pa kesa sa dati.

Yun nga laang, kagaya ng nabanggit ko kanina eh binabaha ang tutulugan namin. Tumatagas kasi ung tubig galing sa rooftop kaya kami tuloy ang napupurhisyo kasi kami ang nasa 5th floor. Nasabi na namin to ke Mang Jun dati, eh ang sabi lang nya eh obserbahan na muna daw namin. Asus, eh ano pang pag-oobserba ang gusto nya kaganitong nabasa na yung kutson ni swe. Kagulo tuloy kami kung pano at saan matutulog kaming anim. Ang kinatapusan eh andun si Glen sa me pinto, tas nakahilera kaming lima ng pabalagbag sa tatlong natirang kutson. Medyo nabasa din yung comforter ni Von kaya nakasabit ngayon sa sampayan ng mga tuwalya dito sa ibabaw ko. Pag bumigay ang sampayan sa bigat nun eh iyak na lang ako. Hehe.

Nga pala, feeling close kami ngayon dun sa mga taga-4A. Kasi kagabi eh nag-inuman sila dun sa rooftop eh nagkataong dun nag-aaral sina Mamond, John at Khiloh. Sa lagay eh pina-shot sila nung mga babae [lakas!] tapos dangan namang luko si Khiloh eh pinababa pa dito yung isa [si MJ] para painumin pati kami. Di inom nga naman kami. Kaya ayun. Tas napagalitan pa sila ni Mang Jun kasi pinainom nila kami eh si Khiloh eh namula, eh sadya namang siyang ganun pag nakakainom. At akalain mo, binigyan pa kami ng pansit kaninang umaga bilang "peace offering" dahil sa nangyari nung gabi. Tas ngayong gabi eh dun sa kanila pa kami nagpaload, niloadan naman kami kahit tinext lang namin at sa umaga na ang bayad. O di ba, ang saya? Friends na kami. Hehe.

Nga pala, dahil din dun sa inumang yun eh nasugatan pa si Mamond sa ulo. Masakit daw kasi ang tiyan niya nun time na yun eh, kaya nun lalapitan na para painumin eh nagtago dun sa me tangke. Malas nga lang at nauntog. Ang lala nga eh, pinatahi pa, kaya ngayon eh para siyang si Hello Kitty na me ribbon sa me noo. Hehe.

Kanina nga pala nung tigil pa ang ulan eh tinesting ko kung nagana nga yung GPS receiver ng phone ko. Bano ako, nagana nga. Hehe. Di pa nga lang ganun kadetalyado yung mapa ng Manila at merong mali dun sa linya ng LRT. Pero nakuha naman ng tama yung location ko.

Kahapon naman ng madaling araw, nung me regular load pa ko eh tinesting ko naman mag-browse ng Internet gamit yung 3G. Ayos naman nga, medyo mas mabilis nga kesa kapag GPRS ang gamit. Di ko pa nata-try mag-video call kasi wala naman akong maisip na matawagan. Ayun, nakatext ko pinsan ko knina, sabi tawagan daw nya ko minsan.

Haay. Lampas alas dos na. Di pa ko inaantok pero kailangan na talaga matulog. Me Virtual Reviewer pa naman ako ng 11:30 bago yung mismong klase. Tsk. Bahala na si Batman sa kin mamaya.

Tuesday, August 7, 2007

new phone!

It still hasn't quite sunk in that I have myself a shiny new mobile phone. Thinking about it still sends shivers of excitement down my spine. Haha. God, I'm such an addict.

However, happy as I am with my new gadget, I still get a bit depressed thinking about the money I parted with to buy it. Tsk. To think in a few weeks or so its price would drop enough to make me grimace painfully while thinking of the price I paid. But then again that is one of the risks of buying any gadget. Sooner or later--more probably sooner--its price would plummet and a newer, better, more feature-packed gadget would come along and you'd be wishing you'd waited just a little bit more for that. But hey, that's life for you.

So for now, I'll just be enjoying my new phone. Something I've said how many times before? Twice? Thrice? Whatever. It's the only thing I could do anyway.


Fuck. What the hell am I doing making this sound like a funeral? I'm talking about my new friggin' phone after all. Harhar. What a drip.

Monday, August 6, 2007

maaga ako inantok! yay!

Darn it. I was supposed to be at the roof deck right now, looking at the cityscape before me, ruminating about the capital mysteries of life--or at the very least, the mysteries of my complicated mind--and writing about them here. Rather, typing about them here, but that is not the point. The point is here I am lying on my back here in our room, ranting away instead. So much for my original plan. Tsk. Oh well. My melancholy mood is gone now. I might as well bitch away here since I'm so darn good at that anyway.

So. Washed some of my clothes again earlier. Who would have thought that washing clothes--backbreaking as it may be--could actually be quite therapeutic? Could that really be? Or was it simply because I was listening to some really relaxing tunes while doing the laundry? Whatever. The thing is, if only my back doesn't scream in protest and my hands not get scraped painfully, I might actually enjoy doing it. Really. No kidding. And yeah, I already know I'm weird. So proud of it in fact. Haha.

Anyway, ate two dinners tonight. And both chicken too. Am I an addict or what? Oh, right. I'm not an addict if you look at it, just a friggin' glutton. I swear, I eat so darn much nowadays it's a wonder I'm not yet bouncing instead of walking. Harhar.

But really. I just love food, although I must admit I'm a rather picky eater. Give me a meatlover pizza or a bar of chocolate and I'm happy as the proverbial clam. Veggies on the other hand--especially the green, leafy stuff--are a big no-no for me. For some unknown and unexplained reason I've avoided vegetables for as long as I can remember, even when I was still a kid. The day I eat a green salad--and actually enjoy it--would have to be start of the New Golden Age or something. Harhar.

Speaking of food, I think I ate a wee bit too much since I'm getting drowsy. A first, since I hardly fall asleep this early. So might as well take advantage of this rare occurrence and go to sleep while I can. So till later. Ciao!

Thursday, August 2, 2007

fuck the boob tube!

What the fucking hell is wrong with the friggin' boob tube right now? I turned the thing off out of sheer spite because of that CSI episode and I just turned it on again to watch Games UpLate Live and I see JM Rodriguez's annoying face instead of Jaymee's. Is this a conspiracy of sorts or something? Or is this a sign that I should just continue studying? Err. Whatever.

Wednesday, August 1, 2007

nooooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!

What the fuck was that all about? I thought AXN would be showing the continuation of CSI's season finale tonight. After all, the last episode ended with Sarah trapped underneath the car, her exposed hand feebly moving on the ground. Do not fucking tell me that the season really ends there and I'd have to wait for the next season to know what would happen to her? That's bullshit, man! Argh!

nakita kita sa isang magasin...

I just found an old issue of Preview magazine while looking for pictures to cut out for my little cousin's homework. And old issue it really was. I actually did a double take when I saw its publication date--October 1997. Yeah, it's almost 10 years old, twice older than my little cousin. Cool, eh?

I read the articles out of curiosity and was pleasantly surprised that the topics they were talking about weren't out of date at all. I mean, I read that same magazine ten years ago and I found it quite informative if a bit inappropriate [for my age, that is, since I was just roughly eleven then], and when I read it again tonight, it's like just the first time I read it [although not anymore inappropriate for my age, harhar]. Get my drift? For the record, the issue was more or less about women empowerment and all that kit and caboodle, something you still consistently see and read in the current issues of every women's magazine being published. The success stories of different women… it's like, only the faces change but not the general idea of how they came about their achievements. Reassuring or creepy? I still can't decide.

Ooh, and I just saw a Kodak print ad with Ryan Agoncillo in it. Gosh, he looks so young and scrawny. And his Adam's apple is sticking way out. Haha. A far cry from the current better half of Juday.

Zsazsa Padilla's on the cover. At least a more fleshed out version of her today. I personally think her face looks better with healthy, plump cheeks rather than the hollow, sucked in look she's sporting today though I've got to admit that her body's better off without the excess baggage she was carrying in the yesteryears. Just goes to show, you really can't have everything. And yeah, I've got another gripe: on the cover it says Zsazsa Padilla: Natural Woman, yet she's wearing a ton of makeup and a colorful racing-style top which is so not her. I know you're not supposed to take the cover headliner and picture literally but somehow this particular cover just doesn't quite jibe, won't you agree?