Tuesday, August 14, 2007

crippled

Pucha, mamatay na lahat ng mga gumagawa ng mga lintek na virus yan!

Nakakaiyamot, nadali pa laptop ko. Kuh, sangkatutak pa naman files ko dun. Iyak na lang pag nawala ang mga yun. Back to zero. Wala ang mga memories at mga pinaghirapang mga i-type, i-drawing, i-edit at kalahat-lahatan na.

Ako naman kasi tong si tanga at paalala, di ako gumawa ng back-up disc. Feeling ko kasi invincible ang laptop ko sa mga naglipanang virus. Asa-ness ka naman girl. Yan ang napapala. Haay. Naiinis pa rin ako kahit anong sabihin. Yun lang yun.

Di pa man narereformat o kung anupamang pag-aayos ang nagagawa eh nanghihina na kong isipin ang mga mawawalang files ko. Feeling ko mapuputulan ako ng kamay or something like that. Iyak na lang talaga. Di ko na-realize na ganun na pala kahalaga sa kin ang laptop na yun at ang mga nilalaman nito. Mahigit isang taon ko na rin nga namang kasama sa mga projects, thesis, pagdodownload nga mga kanta at episodes ng anime, paglalaro ng Gunbound at pagta-type ng mga saloobin pag tinatamad magsulat. Haaaaaay.

0 comments, suggestions, violent reactions?: