Fucker. Mukhang magtutuloy-tuloy pa nga ang sipong to ah. Ayoko na. Dami ko na nga naiinom na vitamin C eh tinatablan pa rin ako ng sipon. Tsk.
Kasi naman, sipon talaga binabagsakan kapag umiyak o mapaluha man lang ako. Oo, marami akong problema sa buhay pero di yun ang iniyakan ko kagabi.
Kung tutuusin eh hindi naman talaga ako umiyak. Yun eh luha lang na dala lang talaga kapag nagsusuka ako. Kasi oo, nagsuka ako kagabi. Hindi dahil sa nag-inom ako ng marami kasi hindi naman ako nag-inom talaga, kundi dahil sa sakit ng ulo.
Weird no? Pero ganun talaga ko eh, ewan ko nga kung bakit. Kapag naiinitan ako ng sobra o kahit ma-expose lang sa sobrang liwanag eh sumasakit talaga ang ulo ko kinagabihan tas nagsusuka ako. Problema ko to, lalo na pag summer. Iyak na lang ako pag sobrang init ng araw, hindi na talaga ko nalabas kung hindi kailangang kailangan.
Me nabasa ako na sintomas daw to ng heat stroke. Ipagpalagay ng ganun na nga. Pero normal ga na malimit to mangyari? Di kaya sakit na tong malala? Ewan. Ayoko ng isipin. Dapat nga siguro magpatingin na ko sa doktor. Bahala na pag nalingilan sa isang araw.
Tuesday, August 14, 2007
sipon na naman
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments, suggestions, violent reactions?:
Post a Comment