Wednesday, July 25, 2007

inday labandera!

Fuck. Nakakapagod. For the first time, na-realize ko na tama nga pala ang Mama. Marami nga pala akong damit. At napagtanto ko lang ngayong gabi matapos kong maglaba for the first time in two or three weeks.


Tsk. To think mga underwear at mga puti pa lang yun. Bukas ko pa plano labhan yung mga de kulay. At andami pa rin nun, isang malaking paper bag pa ulit yun. Pero mukhang di matutuloy ang planong yun. Pucha naman, sugat pa kaya mga kamay ko pagkalaba ko ngayon. Huhu. Madodoblehan pa pag ngkataon. Pero bahala na din kung kakayanin bukas. Basta natuto na talaga ako. Hinding hindi na ulit ako magpapatambak ng mga tubal. Maglalaba na talaga ako every three days. Teka, OA naman ata yun. Sige, every week na lang. Ah basta.


In fairness ah, nakatulog talaga ako pagkatapos na pagkatapos ko maglaba, insomnia be damned. Nga lang, eto at nagising din ulit ako after a couple of hours. So maybe, talo pa rin ako ng insomnia ko since mukhang mahihirapan na naman ako makatulog ngayon. Kaya nga eto at hapit pa sa pagta-type eh. Kainaman na.


Naiinggit tuloy ako sa mga kasama ko. Malayo na ang mga narating at kanina pa harok ang tumbong. Ayun, pwera pala ke Swe. Mukhang hapit na naman sa pagtetext ang lola ko at maliwanag na naman ilaw ng cellphone nya. Kung sino katext nya, bahala na kayo mag-isip. Siguro, yung pangalan starts with the letter.. Wag na pala. Sabihin pa nilaglag ko pa siya. Anyway, kung kilala mo naman si Swe eh malamang alam mo na rin kung sino tinutukoy ko. Oo, yun na nga yun. Haha. Ayun, mukhang nakahalata sa sinabi ko at nawala na ilaw ng cellphone. Pero malamang gising pa rin to.


Anywho, lima lang kami ngayon dito sa bahay. Hindi na naman dito natulog si Glen. Hapit sa pagjojowakers ang taong yun eh. Bihira ko na nga makita dito sa bahay kasi pag sala sa nasa review eh ayun at kasama ang kanya labiduds na si Aisse. Kainaman. Pero tutal birthday naman nya kanina, eh sige at pagbigyan natin. And speaking of birthday, wala siyang ligtas sa min! Kelangan magpa-blowout siya o magpainom. Mae-evict siya sa bahay ni Mang Jun kung hindi. Hehe. Hamit eh, no? Joke lang. Kami naman eh tamang mahilig lamang sa kasiyahan kaya ganun.


Haay. Pasado ala-una na eh di pa rin ako dinadalaw ng antok. Kunsabagay, normal na to sa kin. Ewan ko nga baga kung bakit ibang-iba sa normal ang sleeping habits ko. Kahit naman nung bata pa ko gabi na talaga ko matulog, pero sobrang lala na ngayon kasi inaabot na talaga ko ng umaga.


Nun isang linggo nga eh, yes, halos alas otso ng umaga na ko nakatulog. Tama ga naman yun, eh me exam pa ko ng ala una. Kuh, pengeng bangag nang kumuha ng exam. Kamalasan ko pa talaga ng araw na yun, lampas alas dose na ko nagising. Samakatwid, late pa nga ako nakakuha ng exam. Ang masakit pa dito, di na nga ako makapag-isip ng ayos at nahihilo-hilo na ako sa puyat at gutom eh kalagitnaan pa ng exam eh lumiyok ang tyan ko. Pucha, sa lamig ng aircon sa room eh pinagpapawisan ako eh. Wala talaga ko inaasahang ipapasa sa exam na yun.

0 comments, suggestions, violent reactions?: