So. As of this moment I'm watching Games Up Late Live. As usual, kabagang Jaymee Joaquin is gabbing nonstop. Ang kulit ng lahi nya, pero the weird thing is nakakatuwa pa rin sya. Hehe. Adik eh. Rak en rol kabagang!
Nag-aaral ako dapat ngayon. Me exam ako mamaya, hindi pa ako nakakapagbasa man lang. Papasa nga ako ng lagay na to eh. Tsk. Buhay. Eh sa nakakatamad naman kaya talaga mag-aral. Tanungin mo kahit sinong normal--meaning hindi yung mga adik na mauutas kapag hindi nakaharap sa libro sa loob ng isang araw--na estudyante. Nakakatamad talaga. Pero ako naman eh tamang nagfi-feeling estudyante na lamang ngayon. Sa tunay na buhay eh kaka-graduate ko lang nung isang araw. Nung Lunes to be specific. Nagre-review na ako. Bakit kamo alangan ang graduate ko? Kasi naman, summer pa kami dapat nag-graduate. Eh kaso bulok talaga sistema ng eskwela namin kaya eto at inabot na ng tag-ulan ang pag-graduate namin. Tsk.
Speaking of our walang kwentang school. Tsk. Ayoko ng simulan pa to, kukulo na naman ng wala sa oras ang dugo ko, pero sige tutal andito na rin lang naman at wala na kong ibang maisip na ilagay dito. Yung department head namin, sobrang walang kwenta. As in. sa kamalasan nga lang namin eh naging thesis adviser pa ng grupo namin. Nakanaman. Kaya naman ayun at pagkatapos pa ng grad ceremony namin nakuha revision ng thesis namin. Mantakin mo, graduate na kami't lahat na naturingan eh di pa ayos thesis namin. Sabi sa yo, bulok ang school namin eh. Kaya nga kahit limang taon akong pumasok at nagtiis dun eh wala talaga ang loyalty ko dun. In all fairness, mas saulo ko pa school hymn namin nun high school kesa sa nitong college. Hehe.
But back to our department head. Ayan, nagsisimula na naman kumulo ang dugo ko. Haha. Ganyan lang talaga epekto nya sa kin at sa iba pang mga napurhisyo niya bilang instructor, department head, thesis panel at adviser, at pati bilang katrabaho. In fairness, hindi lang ako ang galit sa kanya. Marami kami. Promise. Bakit kamo? Teka ha, ililista ko para sa iyo. Eto nga palang listahan na to eh ginawa ko pa nun time na estudyante pa ako. Eto:
1. He almost always comes to class late. That is if he even bothers to come at all.
2. Because he doesn't attend classes on time, he schedules make up classes, often at inconvenient times and then credits the extra time to his honorarium.
3. He insists that important things like evaluation, enrollment and thesis defenses not start without him, but always comes in very late, delaying everything in the department and wasting everyone's time.
4. As far as I know, if you're a full-time instructor, you can't have teaching loads at other schools. But he does.
5. He leaves his students here to teach at the other school, and vice versa.
6. Not to mention that he also owns a review center where he also teaches, again leaving the students here.
7. He makes students wait well into the night at school for their class cards.
8. As a thesis adviser, he should be the one who knows the most about his advisees' thesis and assist them in preparation for the oral defense. But what he does is completely ignore his advisees and their thesis and then be the first to critique their work during the defense [yeah, we're not the first]. instead of advising them beforehand, he executes his job as an adviser in a demoralizing way and at the wrong time.
9. This summer, he overloads on subjects which he doesn't even teach. He uses another faculty's name for one of the subjects just so the auditor or something wouldn't smell the shit and investigate him. To make matters worse, he actually had the gall to tell that faculty member that he'll be using his name for that purpose and that he has to give the honorarium for that subject to him.
10. That same faculty member once put in extra hours teaching the subject the bitch is supposed to be teaching [out of pity for the students who aren't learning anything by waiting for him at the classroom] and asked for his permission to credit them for his honorarium but the bitch wouldn't let him.
Nabasa mo? Nakakagalit di ba? Tsk. Minsan talaga nagtataka ako kung bakit me mga taong ganito. Purhisyo sa buhay. Peste. Talipandas. Talandi. Hitad. Kiri. Balasubas. Hmpf. Tama na nga ang tungkol sa hayup na yun. Tataas lang alta presyon ko, mamatay pa ko ng maaga dahil nya. Yai ka na. Hehe.
Anywho, natatawa talaga ako minsan sa mga kasama namin dito sa building na inuupahan namin. Kagaya na lang kagabi sa rooftop. Sa isang side, andun yung mga lalaking taga-third floor, nag-iinuman at nagsasayawan. Sa kabilang side, andun naman yung mga babae sa fourth floor, nagrarakrakan at animo'y nagko-concert sa harap ng tangke ng tubig. Kami ng mga kasama ko, tamang nakupo lang dun sa isang tabi at pinapanood at tinatawanan ang mga ka-building namin. Ay pag di ka naman. Di na kelangan pa magpunta sa mga club para sa entertainment. Walang binayarang entrance fee at overpriced na mga inumin, pero naaliw kami ng husto sa panonood sa mga yun. Daig pa namin ang nagpunta sa club at nanood ng concert. Haha.
Ewan ko kung anong tinira nung isang babae at ang lakas ng tama. Aba eh, tumutugtog kahit walang gitara at drums, me lip sync pa. At nung umalis na yung mga lalake eh punta pa sa kabilang side ng rooftop at nag-aacrobatics sa sampayan ng damit. Aba teka, nakabatak ka ineng? At di pa nasiyahan dun, umakyat pa sa mismong pasimano at doon nanulay. Hui, baka di mo napapansin na anim na palapag ang papatakan mo? Ang astig nya ah, di ko kinaya. Hehe. Lakas tama talaga.
Tama nga talaga napag-usapan namin ng mga kaklase ko kagabi. Hindi pwedeng tumira ang matatanda sa building namin. Sa raket na lang ng mga nag-iinom sa rooftop pag minsan eh. Dagdag mo pa yung mga adik na feeling eh me sariling mundo kung makapagpatunog ng stereo o laptop. Siyempre, kasama na ko dun pag minsan. Hehe. Ganyan talaga. If you can't beat them, join them 'ika nga. Tama naman, di ga? Kanya-kanyang trip lang yan.
Speaking of trip, ayun at tamang shopping trip kami ni Robert kanina. Actually, hindi naman talaga shopping trip kasi wala naman kami parehong pera para mamili ng matipuhan namin. Sa totoong buhay eh kumain lang kami ng masarap-sarap sa Sbarro para i-celebrate ang pag-graduate namin. Nga laang, nakaabot pa kami ng Trinoma at inabot pa ng malakas na ulan pagpunta dun. Kaya naggala na rin kami, naandun na rin lang. Sa aking lubos na kagalakan [lalim ng Tagalog, haha!] eh nakakita ako ng complete set ng Sandman series ni Neil Gaiman. Tagal ko rin naghahanap nun, hagya pa nakakita. Yun nga lang, dahil lubhang hikahos forever eh yung Preludes & Nocturnes na lang muna binili ko. Kaya sa suma tutal, out of eleven volumes eh meron na akong… tatlo! Haha. Plano ko pa man din kumpletuhin lahat yun bago magtapos ang taon. Bahala na si Batman kung saan ako kukuha ng perang ibibili ko nung natitira pang walong volumes. Haay.
Saturday, July 21, 2007
simulan na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments, suggestions, violent reactions?:
Post a Comment