Lahat na lang talaga kelangang daanin sa reality shows, no? Kagaya na lang nitong Search for the next White Castle Girl na pinapanood namin ngayon. Si Jacq ang bet ko. Di ko gusto si Gemma, ewan ko kung bakit. May "something" sa kanya na di ko lang talaga magustuhan, ewan ko kung ano. Eto si Roxanne, wala rin ako masabi. Maganda siya, pero parang hindi pa rin talaga bagay sa kanya na maging endorser ng whisky. Marunong ga to mag-inom in the first place? Eh mukhang isang shot pa lang eh tutumba na to eh. Tipo kasing good girl na good girl eh. Ewan ko rin lang din.
Nga pala, walang kwentang host si Joross. Ampucha, basahin mo na lang kaya lahat ng mga nakasulat jan sa papel na hawak mo no? Nakakahiya lalo kasi magagaling yung mga kasama nyang iba pang hosts kagaya nina Mariel, Janelle at kabagang Jaymee. Tsk. Utoy, bumalik ka na lang sa pag-arte o sa pagsayaw at baka matutuwa pa kong panoorin ka. Sa lagay nyang yan ngayon eh konte lang nilamang nya sa mga nagbabasa kapag me Misa. At least yung mga yun expected mo na magbabasa, sino ga naman me saulo ng Bibliya no? Pero sa pagho-host eh kung di mo saulo ang sasabihin mo eh matuto kang mag-adlib. Kapag ganyang alam na ngang scripted ang mga sinasabi nyo tapos makikita pa na binabasa mo pa ang sinasabi mo eh nakakainsulto na sa nanonood. Utang na loob.
Ayan, ia-announce na kung sinong panalo. Sana si Jacq. Hala, si Gemma pa nga ang nanalo. Tsk. Ayoko na. Dinaan sa tangkad. Sabagay, si Jacq kasi iba ang aura. Yung personality nya at overall projection eh tipong mas bagay mag-endorse ng beer or gin kesa sa whisky, kasi mukhang astig, gimikera. Gets mo? Basta, yun na yun.
At eto, natapos na naman nga ang isang araw. Mejo depressed pa rin ako dahil ke Franco. Paranoid lang talaga ko siguro, pero napapraning talaga ko sa nangyayaring ito. Bakit hindi siya nagpaparamdam? Pucha, kinakabahan tuloy ako. Sana naman okay siya.
Nga pala, uuwi ako mamaya. Dalhin ko na mga tubal na damit dito. Di na ko nakapaglaba ulit ngayong linggo eh. Isa pa, aabsent naman ako sa review next week. Saturday and Sunday na lang ako attend. Dami pa kelangan asikasuhin sa min eh. Dalhin ko na lang sa bahay mga dapat pag-aralan. Speaking of dadalhin, mukhang bangabang na naman ako pag-uwi. Iuuwi ko tong laptop, tas yung mga damit ko pa. Yun pang ibang eklavu ko sa buhay kagaya ng sandamakmak na mga charger at abubot. Tsk. Bahala na si Batman.
Sunday, July 29, 2007
reality chuvanes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments, suggestions, violent reactions?:
Post a Comment